superficial thinking.

Why can't they understand? Why are grown-ups so superficial? They use old age to have things their way. Wisdom gained with age? Nah! Wisdom is not gained with age, it is with experience and wisdom itself.

*Me, intending to study. I already placed my things on the table. Mama went to use the phone at malakas ang boses nya.
Ako: Ma, pwede po ba pakihinaan ang boses?
Mama: NAKITANG MONG GINAGAMET KO 'TONG TELEPONO?!
Ako: Ma, mag-aaral lang po..
Mama: EH DI LUMIPAT KA!!!
Ako: BA'T SI ATE KIM NOON!? DATI PINAG-AARAL NYO SYA PERO AYAW NfmlYA EH AKO, NAG-AARAL NA NGA AKO, AYAW NYO PA AKO PAG-ARALIN!

GAWD! ANO BA!?~! I know I was wrong when I answered back, pero ano ba! Nauna ako sa table, nakalagay na gamet ko. Tsaka nakiki-usap ako ng maayos with that po and opo pero ano ginawa nya, nanigaw siya! Ang ayos ng pagkakasabi ko ehh, sana kung sinabi ko na lumipat siya or something, kung di man ako gumamit ng po or opo sa kanya eh hindi ehh. Maganda naman paki-usap ko eh. Tsaka may MAS MAGANDA pa akong gagawin kesa sa kanya. Hindi ako nakikipag-chikahan. Nung si Ate Kim ang nag-rereview, (btw, hindi ako magrereview center para narin makabawas sa gastos) lagi nilang pinagsasabihan si Ate Kim na mag-aral eh ba't ako? Hindi ba ako pwede mag-aral?!? Nakaka-asar lang talaga eh. Pag si Lica naman ang nag-aaral, eh si Lica pa naman yung tipo na tamad talaga mag-aral, gusto nya WALANG mang-iistorbo dun. WALANG MAINGAY, WALANG MANGUNGULIT Eh kame? Ba't nya mabigay yung katahimikan na yun? Kase willing kame mag-aral? Sana pala mga tamad nalang kame eh , tutal tingin nya naman sa amin ay tamad.

Ngayon, sisigaw-sigawan nya ako. Una, sasabihin nya dinidiktahan ko sya, HINDI KO SYA DINIDIKTAHAN. Naki-usap ako nang maayos. Ginagalang ko sya kase magulang ko sya pero tingin ko hindi talaga tama yun. Bigla nya ako sinigawan. Utang na loob! Pangalawa, pagakatapos nun, idadamay nya ang nakaraan. Kase dati, nung may pasok pa, may times na kukulitin ko sya sa telepono kase may kailangan tawagan. Pag hindi nya ako pinapansin, tinititigan ko sya kahit matagal. Syempre, naiirita sya kaya pagkatapos na pagkatapos ng tawag na yun ay sisigawan na yun. Expected ko na yun kase kelangan ko talaga gawin. Ayoko magpuyat sa kakaantay sa kanya matapos sa telepono, lalo na pag tungkol sa project ang itatanong ko. Pag nakita nyang isang tanong lang ang tinanong ko sa kaklase ko (syempre kase baka gamitin nya ulet tsaka para makita naman nya na hindi ako nakikipagtsismisan), mas magagalet siya kase baket ko daw inistorbo ang pagtetelepono nya eh isang tanong lang pala yun. Hindi daw ba pwede mag-antay ang tanong ko. Hindi nya ba alam na malaking tulong na sa estudyante na hindi nakaintindi ang isang tanong. Pangatlo, bakit daw ba pag si papa ang gumagamit ng telepono, nagagawa namen mag-antay pag siya daw, hindi. Wala ba daw ba kame respeto sa kanya. Kase naman pag si Papa ang gumagamit ng telepono, ALAM MONG BUSINESS YUN, sa boses palang nya. Pag siya, alam mong hindi ganun kaimportante ang pinag-uusapan nila, mga tawanan lang, yung tipong makakapag-antay, makakapag-antay yulad ng "pag-aaral". Hindi ba makakapag-antay ang kwento nya sa asawa ni Ted Failon?! Tsaka, wag nya ikukumpara sarili nya kay Papa kase pareho lang naman sila, walang pagkakaiba. Pang-apat, uulitin ko. Mas matimbang naman ang gagawin ko kesa sa pagtetelepono. May sense naman ang gagawin ko. Hindi ko naman pinapahinaan ang boses nya kase walang kwenta ang ginagawa ko. May purpose ako kung bakit ko ginagawa yun. Panglima, sinigawan nya ako na mag-antay ako. Alam ko ba kung gaano siya katagal sa telepono na yun? Wala ako ideya. Ano baaa. Mahabang storya ang nangyari kay Trina Failon. Hindi ko alam kung gaano nya katagal ikekwento sa tita kong walang kaalam-alam sa nangyari dun. Pang-anim, hindi naman sa gusto ko talaga ikumpara sya pero ito talaga naaalala ko kay Ms. Andrade eh, kinuwento nya sa amin nung nasa first year palang kame. "When my daughter studies, kahit na ang favorite ko na Mulawin pa ang nasa T.V., pinapatay ko ang T.V. Lilipat na ako nun". Hindi ba pwede gawin yun? Pang-pito, sinasabi nya na yumayabang daw ako. Alam nya daw na matalino ako pero wag ko naman daw siyang bastusin. Hindi ko nga siya binabastos. Tsaka hindi ko, kahit kailan, na pinasok at naisip sa argumento namen na matalino ako kaya tama ako. Hindi pumasok sa kokote ko yun! Ang sinasabi ko lang ay intindihin ako, na kung pwede ay pagbigyan ako. Pang-walo, Sasabihin nya na sa anak ko daw gawin yun, wag sa kanya. Ngayon naman mas lalo nya pinatunayan na ginagamit nya ang edad nya, ang katayuan nya bilang magulang. Parang panlalamang na pero hindi kase may karapatan nga siya, kase sya ang isa sa pinakanaghihirap sa amin. Alam ko yun, hindi ko lang matanggap yung bigla ka sisigawan. Nakaka-asar lang talaga.x|

Ba't ba ganito ang mundo ngayon? *sighs*



Lovelots,

0 comments:

Post a Comment