Dreams of Eliminating DISCRIMINATION!

Yesterday's night slot shows almost left me teary-eyed, ALMOST. HAHAHA! Yesterday was better. x)
A clue about this post: I'M ANTI-STAR SECTION-ing. XD

Anyways, I had a dream. It had something to do with the next school year. Naging classmates ko yung mga taga-ibang section 'tas nagpa-practice kami para sa songfest. In short...WALANG STAR SECTION! XD Di naman sa pinapangunahan ko ang announcement ng admin, pero yun ang panaginip ko eh, dreams do come true, I hope. HAHAHAHA! And one more thing, it doesn't mean that I hate being in my class. I just hate the attitude, not entirely the class.

In my dream, I was late for our songfest practice. When I arrived, they were about to start the practice kaya nakisingit nalang ako. Person 1 (one of the closest people to; from the other section; classmate when I was in the first year) was next to me while Person 2 (Also a person close to me; classmate of Person 1 last school year; I met this person just last year) was in the far left corner of the formation. We were doing this practice things when we had a break. Although I have met Person 1 earlier and I was far more closer to this person, I dunno why I kept hanging out with Person 2. Ah basta! Ang gulo kaya magkwento kapag di binabanggit ang pangalan 'tas Person 1 & 2 ang pangalan nila. HAHAHAHA! Isa lang ang alam ko, may sense ako na WALANG STAR SECTION! XD

It's not that I'm against, once again, the star section-ing. Nakakadiscriminate lang talaga. 'Lam mo yung pinag-uusapan ka 'tas sasabihan ka ng mayabang? YUN YON EH. It's soooo lame. Alam kong hindi sila naiingit or whatsoever pero yung tingin nila sa'yo ay parang super superior mo na to the next level! Yung tipong bawal ka magkamali at konting bakas ng pagkakamali or doubt, MEN! malaking kahihiyan na yun. Ang mga kaklase mo naman, parang gusto ka na nila sipain palabas ng classroom. Tatawa pa yang mga 'yan. PAGTATAWANAN KA NG MGA YAN HANGGA'T SA MAKISAMA ANG BUONG KLASE, HANGGA'T FEELING MO IKAW ANG PINAKATANGANG TAO. Okay lang siguro kung nasa mood makipaglokohan pero kahit wala ka ginagawa, nananahimik ka lang at seryoso ka pa, tatadtarin ka pa rin nila ng di makataong pang-aasar. Iba na yun. Yung sumosobra na, 'tas sa tono ng mga boses nila makikita mo ang pagmamataas. Bibigyan ka pa ng mga pangalan ng mga 'yan, tatawagin kang LOSER. If not, WEAK ka daw. Ano ba pake nila? Feeling naman nila ang galing-galing nila, INVINCIBLE BA? May mga itsura daw sila eh, habulin daw? HAHAHAHA! Asa naman. Nagkataon lang na mas may itsura sila sa iba kase lamang sila ng isang paligo. LOOOL~! Mga self-centered kase, masyado conscious at mayabang. At ang masama pa dun, sa star section, plastikan. Although hindi ko naman gine-generalized ito. Yung iba lang naman. Mararamdaman mo naman yun eh. I admit, may sinasabihan ako ng masama pero alam naman ng taong yun na masama ang tingin ko sa kanya. Bago ako magsabi ng kung anu-ano, nagpapaalam muna ako. Pinapaalam ko sa kanila na masama tingin ko sa kanya. Ganun ako kagalang pero bastos pa rin. HAHAHA! Diretsuhin ba naman? Nako! HAHAHA! Another thing, the COMPETITION SUCKS! Especially when it comes to the quizzes and stuff, payabangan, pataasan ng scores. Basta pagkatapos ng quiz, mag-expect ka na, may magtatanong ng score mo lalo na pag nasa Top 10 ka. MAY PUSTAHAN PA 'YAN! Ginagawa ngang pangkarera sa San Lazaro ang nasa Top 10 ehh, magpupustahan yung iba kung sino Top 10 nila. Malaki kita dun, lalo na yung mananalo. 5 piso bawat pusta. Taghirap na daw kase. At pagdating sa bayaran, pahirapan! Kahit piso lang, nagrereklamo pa yang mga 'yan. Eh para sa kanila rin naman yun. Wala na daw silang pera tapos makikita mo sa uwian, naglalakad papunta sa malayong internet cafe. Hay nako! Sa malayo kase mas mura tsaka para di na rin mahuli. Matatalino eh. Madami pa ako masasabi. HAHAHA! Meron din sa amin ang mga attention-getter. KSP in short. Mga tipong agaw-pansin. Mga manlalait para may mapag-usapan ang klase. Aaminin ko binubuhay nila ang klase kahit papaano, mga KSP lang talaga. In a good way, nakakatulong rin sila. LOOOOL~! At may mga mga attention-getter naman na nagpapagulo sa klase. Kapag may nasa harap at nagpapatahimik, sila yung mga manggagaya ng mga sasabihin mo. MGA ECHO! Nakooo~! MADAMING GANUN! Pag sinabi mong, "CATHERINE, PWEDE BA KAYO TUMAHIK?!?!" Sasabihin nila, sa ibang boses na nakakaloko, "Kateyrin, pweyde ba kayu tumahimek?!" TSS...Badtrip yung mga yun ehh. Kung di ka naman gagayahin, ganito ang gagawin nila. Pag pinatahimik mo sila, sasagutin sila ng: BUHAY PA BA SI CATHERINE? PATAY NA KAYA YUN. Pag sinabi mo naman, "GUYS, HINAAN NYO NAMAN BOSES NYO OH." Ang banat naman ng mga yan ay: "GUYS LANG? GIRLS, MAG-INGAY LANG TAYO!" Ampotek talaga. Mga Pilosopo eh, BASTUSAN! ETCHOS talaga.

Another thing I hate was something about our batch. We are divided. It was a fact. At lahat ng bagay ay binibigyan ng malisya. May konting narinig, pagdating s'yo iba na ang istorya. You know, I envy the other batches. Ibang-iba. I just noticed it during the Pampanga experience, mga seniors nga kase kasama ko. Walang hiya-hiya nun. Kahit may nagbibihis, di nila bibigyan ng malisya. Halos sabay pa nga maligo mga tao nun ehh. At wala namang nagrereact ng malisyoso. Eh sa amin? Nakita lang na may magkasama sa isang sulok, kung anu-ano na iniisip. IMMATURE. Ang iba napaka-LIBERAL na eh. Kami? Wala pa kami sa kuko ng kabihasnan nila. LOOOL~!

I know there's no perfect class. Since I have been a part of it, I will always be, I might as well love it anyway. Whatever it is, I'll always have a principle...



"When I am abroad, I always make it a rule never to criticize or attack the government of my own country. I make up for lost time when I come home."
--Sir Winston Churchill, British Politician


He's right, pag kasama ko ang ibang tao, kahit papaano naman maganda pagkakasabi ko sa batch at sa klase namen pero kapag sila na ang kasama ko, mga kaklase ko, ilabas mo na ang sama ng loob mo. HAHAHAHA~! Tsaka, hindi ako BITTER. Nagsasabi lang ng masamang katotohanan. x)

And oh, masyado na ata napasobra ang critcism ko sa kapwa ko. HAHAHA! Kaka-confession ko pa naman. Ansamaaa koooo~! LOL!

0 comments:

Post a Comment